kuneiporma


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kuneiporme
Ang kuneiporme (Ingles: cuneiform; Kastila: cuneiforme) ang paraan ng pagsulat ng mga Sumerian. Sa simula, mga marka lamang itong makikita sa pagdiin sa mga luwad na tableta. Gumagamit ang mga eskriba (scribe; tagasulat sa templo) ng isang maliit na patpat na tinatawag na stylus. Hango ang cuneiform sa salitang Latin na cunneus o ang kombinasyon ng mga wedge na ginagamit na tanda nito. Hindi sa papel sumusulat ang mga Sumerian kundi sa tabletang luwad na ginagamitan ng stylus habang malambot. Pagkatapos, pinatutuyo ito sa araw hanggang sa tumigas.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.