Ang
pagkurap, mula sa
kurap, ay ang mabilis na pagsara o pagpikit at pagbubukas o pagdilat ng talukap ng mata (takipmata). Isa itong mahalagang tungkulin ng
mata na nakakatulong sa pagpapakalat ng mga
luha sa ibayo o tapat ng mata at nag-aalis ng mga nagpapakati (iritante, nagsasanhi ng iritasyon o pangangati) mula sa ibabaw ng kornea at konhunktiba. Ang tulin ng pagkurap ay naaapektuhan ng mga elementong katulad ng kapaguran, pinsala sa mata, medikasyon, at karamdaman. Ang dami ng pagkurap ay pinagpapasyahan ng tinatawag na "lunsuran ng pagkurap" (sentro ng pagkurap), subalit maaari rin itong maapektuhan ng estimulong panlabas. Kapag ang isang
hayop (karaniwan na ang
tao ay nagpasyang ikurap lamang ang isang
mata, mas tinatawag itong
kindat, at nagiging isang paghudyat sa loob ng isang ugnayang pangpakikipagkapwa-tao (isang uri ng
wika ng katawan). Ilang mga hayop (katulad ng mga
pagong,
pawikan, at mga hamster) ang nagkukurap ng kanilang mga mata na walang pagsasabayan ang bawat isa.