kusilba


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Posil
Ang mga posil (Ingles: fossil) ay ang mga nananatili o natinggal na mga labi o bakas ng mga hayop, halaman, at ibang mga organismo mula sa malayong nakaraan. Tinatawag din itong mga nagbatong buto. Nagmula ang katawagang fossil sa Ingles mula sa fossus ng Latin na nangangahulugang "nahukay." "Tala ng mga kusilba" o "rekord ng mga nagbatong buto (posil)" ang taguri sa kabuoan ng mga kusilba, kapwa mga natuklasan at hindi pa natutuklasan, at ang kanilang pagkakalagak sa mga pormasyon ng mga batuhang posilipero o naglalaman ng mga kusilba, at gayon din sa mga patong ng mga batong sedimentaryo. Ilan sa mga pinakamahahalagang mga katungkulan ng agham ng paleyontolohiya ang pag-aaral ng mga kusilba ayon sa mga panapanahon, kung paano sila nabuo, at ang mga kaugnayang pang-ebolusyonaryo sa pagitan ng pilohenetika o piloheniya ng mga takson o taksa (taxon; taxa).

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.