Ang
labindalawang alagad ni Hesus ang mga
apostol ni
Hesus na labindalawang mga lalaking itinalaga ni Hesukristo na maging kapiling ni Hesus para mangaral, para magkaroon ng kapangyarihan sa pagpapagaling ng mga karamdaman, at upang makapagpalayas ng mga
dimonyo. Daladalawa silang sinugo ni Hesus para sa ganitong mga gawain na walang dinadala sa kanilang mga paglalakbay - kahit man tinapay o salapi sa kanilang mga sisidlan - maliban na lamang sa mga tungkod. Nagmula ang salitang
apostol (
apostle sa Ingles) sa isang salitang
Griyegong nangangahulugang "mga pinaalis," katumbas ng mga "sinugo", "kinatawan", o hinirang at mga "mensahero" para maglakbay dahil sa isang layunin. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang apostol para sa mga misyonerong relihiyoso.