labindalawang mga alagad


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Labindalawang alagad
Ang labindalawang alagad ni Hesus ang mga apostol ni Hesus na labindalawang mga lalaking itinalaga ni Hesukristo na maging kapiling ni Hesus para mangaral, para magkaroon ng kapangyarihan sa pagpapagaling ng mga karamdaman, at upang makapagpalayas ng mga dimonyo. Daladalawa silang sinugo ni Hesus para sa ganitong mga gawain na walang dinadala sa kanilang mga paglalakbay - kahit man tinapay o salapi sa kanilang mga sisidlan - maliban na lamang sa mga tungkod. Nagmula ang salitang apostol (apostle sa Ingles) sa isang salitang Griyegong nangangahulugang "mga pinaalis," katumbas ng mga "sinugo", "kinatawan", o hinirang at mga "mensahero" para maglakbay dahil sa isang layunin. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang apostol para sa mga misyonerong relihiyoso.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.