Ang
lagari ay isang kasangkapan o kagamitan ng isang
anluwage. Ginagamit ito bilang pamutol ng mga bagay katulad ng kahoy at bakal. Tinatawag na
lagarian o
palagarian ang pook o gusaling naglalaman ng mga makinang panlagari. Sa palagarian ginagawa ang mga produktong tabla mula sa mga pinutol na punungkahoy. Isang halimbawa nito ang
lagaring panistis.