Ang
ugat na pandugo o
ugat pandugo (Ingles:
blood vessel), na tinatawag ding
ugat na sisidlan ng dugo,
ugat na patuluan ng dugo,
ugat na lagusan ng dugo,
ugat na sihiran ng dugo, o
ugat na daluyan ng dugo, ay isang tubo na nagdadala ng
dugo. Ang mga
ugat-pandugo o
ugat-pangdugo na nagdadala ng dugo papalayo mula sa
puso ay ang mga
arteryo (
arterya) o
malalaking ugat na daluyan ng dugo. Samantala, ang mga
ugat pangdugo na nagdadala ng dugo papunta sa puso ay kilala bilang mga
bena. Nakalagay ang mga
kapilaryo sa pagitan ng mga bena at ng mga arteryo at nagbibigay sila sa mga tisyo ng dugo at oksiheno. Ang puso pati na ang mga ugat na pandugo sa katawan ng tao, kapag magkasama, ay tinatawag na
sistemang sirkulatoryo. Tinatawag na basodilasyon ang pagluwang o pagbuka ng mga ugat na pandugo, na nakakatulong sa pagtatanggal ng enerhiya ng init mula sa katawan. Tinatawag namang basokonstriksyon ang konstriksyon ng mga ugat na pandugo, na nagpapaiwas sa katawan ng tao na makawala ang init.