Ang
lalawigan (
Filipino: probinsya) ay ang pangunahing yunit ng lokal na
pamahalaan sa
Pilipinas. Sa kasalukuyan, may walumpung (80) lalawigan ang Pilipinas na hinahati sa mga
lungsod at mga
bayan. Ang
Pambansang Punong Rehiyon, pati ang mga
Malayang Bahaging Lungsod, ay may kalayaan mula sa pamahalaang panlalawigan. Ang bawat lalawigan ay pinamamahalaan ng halal na mambabatas na tinatawag na Sangguniang Panlalawigan at ng isang halal na gobernador.