Ang
Aklat ng mga Panaghoy o
Mga Lamentasyon (
Ebreo: איכה,
ekha, "aba") ay isa sa
mga aklat na isinulat ng mga propeta na nasa
Lumang Tipan ng
Bibliya. Isa itong katipunan ng limang mga tula ng paghibik na sanhi ng pagkakawasak ng
Herusalem noong 586 BK o 587 BK. Naganap din ang mga pagdadalamhati dahil sa naibungang pagkakatapon ng mga mamamayan ng
Israel. Ginagamit ng mga
Hudyo ang mga tulang ito sa kanilang taunang
pag-aayuno para gunitain ang kapahamakang naganap sa kanilang bansa noong 586 BK. Nilalarawang pambayan at pangsariling damdamin ng mga paghikbing ito, at dulot din ng mga paghihirap na natamo ng mga Hudyo mula sa mananakop na mga
Babilonyano. Tuwing
Mahal na Araw naman ng mga
Kristiyano, inaawit ng
Simbahang Katoliko ang mga nilalaman ng Aklat ng mga Panaghoy. Ginagawa ito para "tangisan ang kalunus-lunos na kalagayan ng
sambayanang Kristiyano."