lapay


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Lapay
Ang lapay o pankreas ay isang organong naglalabas ng mga hormona at mga ensima o ensaym upang makatulong sa dihestiyon o pagtunaw ng pagkain. Isa itong glandulang malapit sa tiyan. Naglalabas ito ng mga sustansiya sa pamamagitan ng mga selulang tinatawag na mga maliliit na pulo ni Langerhans (kilala sa Ingles bilang Islets of Langerhans). Kasama ang lapay sa dalawang mga sistema ng tungkulin o punksyon: una, sa sistemang panunaw dahil sa gampanin nito sa pagtunaw ng mga nutriyente; at pangalawa, sa sistemang endokrina para sa tungkulin nito sa paggawa o produksyon ng mga hormona. Sa ibang paggamit ng salita, minsan ring nagagamit na pantawag ang lapay (bagaman may kamalian) para sa pali o kaya sa kolon.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.