Ang
larong tabla o
larong may tabla (Ingles:
board game) ay isang
laro o
laruan na karaniwang nilalarong may mga piyesa sa ibabaw ng isang pook na parang tabla o karton. Ilan sa mga halimbawa ng mga larong tabla ay ang
ahedres,
scrabble,
dama,
backgammon, irensei,
parqués at
go. Ang ahedres at dama ay nilalaro sa ibabaw ng 8 x 8 na tablang
parisukat, na binubuo ng 32 puti at itim na mga parisukat.