Ang
lasador na pangkalawakan o
bombinang pangkalawakan (Ingles:
space shuttle) ang isang sasakyang pangkalawakan na ginagamit ng organisasyong
NASA ng
Estados Unidos. Nagdadala ang mga ito ng mga
astronota papunta sa
mas panlabas na puwang sa
kalawakan. Mayroon din itong silid ng kargada na nagpapahintulot sa mga
satelayt, mga instrumentong pang-agham, at iba pang mga bagay na madadala papunta paitaas sa kalawakan. Bugtong o bukod-tangi ito sa mga sasakyang pangkalawakan dahil maaari itong gamiting muli.