Ang
dalawit (Ingles:
lever, Kastila:
palanca) ay isang payak na makina, hawakan o tatabnan ng isang mekanismo. Maaari rin itong tumukoy sa isang paraan o pamamaraan upang maisakatuparan ang isang bagay. Tinatawag din itong
panghikwat,
panikwat,
panikwas,
panghalikwat,
pingga, at
manggeta. Isang katangian ng makinang payak na ito ang pagkakaroon ng isang bagay ng isang kalamanganan, bentahe, mehora o kapakinabangang mekanikal dahil sa pagkakaroon ng leberahe o kapangyarihang makakilos at lakas na mapasunod ang ibang bagay o bahagi ng bagay.