Ang
maluwag na oras,
malayang panahon, o
pasatiyempo (Ingles:
leisure o
free time), na kilala rin bilang
dibersyon o
pagpapagayun-gayon, ay isang uri ng gawain ng pagpapahinga o paglaya at kaluwagan mula sa
hanap-buhay. Isa rin itong panahon ng mahalaga gawaing pambahay o nasa bahay o kaya
ehersisyo. Isa pa rin itong panahon ng
rekreasyon at panahong pinagpapasyahan ng tao bago o pagkaraan ng mga obligasyon o kompulsoryong mga gawain o kapaguran. Maluwag ang kaibahan ng pasatiyempo (
palipas-oras) mula sa kailangan-kailangang mga gawain, dahil may mga taong gumagawa ng mga gawaing may kaugnayan sa trabaho upang maaliw pati na para sa matagalang pagkanagagamit. Maaari ring magkaroon ng pagkakaiba sa pagitan ng malayang oras o malayang panahon at pagpapalipas-oras, halimbawa na ang pagtuya sa pangangapital sa mga tagakonsumo (kapitalismong pangkonsyumer) ng
Situationist International, na nagpapanatili na ang
libreng oras ay madaya o ilusyon lamang at madalang na libre at sa halip ay iginigiit ito sa isang indibiduwal sa pamamagitan ng mga puwersang pangkabuhayan at panlipunan, at ipinagbibiling pabalik sa taong iyon bilang isang kalakal na nasa anyo ng libreng oras na malayo sa hanapbuhay. Ang mga pag-aaral ng pagpapalipas-oras ay ang disiplinang akademikong nakatuon sa pag-aaral at pagsusuri ng pasatiyempo.