Ang isang
lepton ay isang elementaryong partikulo at isang pundamental na konstituente ng
materya. Ang pinakakilala sa lahat ng mga lepton ang
elektron na nangangasiwa sa halos lahat ng mga
kemika dahil sa ito ay matatagpuan sa mga
atomo at direktang kaugnay nakatali sa lahat ng mga mga katangiang kemikal. Ang dalawang pangunahing mga klase ng lepton ang
may kargang mga lepton(na kilala rin bilang tulad ng
elektron na mga lepton) at mga neutral na lepton(na mas kilala bilang mga neutrino. Ang mga may kargang lepton ay maaaring sumama sa ibang mga partikulo upang bumuo ng iba't ibang mga kompositong partikulo gaya ng mga
atomo at
positronium samantalang ang mga neutrino ay bihirang nakikipag-ugnayan sa anumang bagay at dahil dito ay bihirang mapagmasdan.