Isang
likas na satelayt o
buwan (
Ingles:
natural satellite) ang isang bagay ng kalawakan na umo-
orbit sa isang
planeta, na tinatawag na
primary (pangunahin). Sa teknikal na termino, maaaring tumutukoy ang
natural satellite sa isang planeta na umo-orbit sa isang
bituin, o sa isang
dwarf galaxy na umo-orbit sa isang pangunahing
galaxy, ngunit karaniwan itong kasingkahulugan sa
buwan at ginagamit upang tukuyin ang hindi-artipisyal na mga
satelayt ng mga planeta, duwendeng planeta, at maliliit na planeta. (Wala pa na kilalang likas na satelayt ng mga buwan.)