Ang
limbon,
nimbo,
limbo, o
palaba (Ingles:
halo,
nimbus,
aureole,
glory, o
gloriole) ay isang uri ng bilog na sinag ng liwanag, ngunit minsang nakabalantok o nakaarkong malalapad na mga guhit o mga tuldok ng liwanag. Maaaring makita ang mga limbon sa paligid ng
araw o
buwan. Nagaganap ito kapag dumaraan ang liwanag na nagmumula sa araw o buwan sa isang rehiyon ng
atmosperong naglalaman ng mga partikulo ng yelo. Ginagamit din ang limbon bilang katawagan para sa ginintuang mga disko na pumapaligid sa mga kumakatawan o representasyon ng ulo ni
Hesukristo o ng mga santo at iba pang mga taong banal.