Ang
lingguwistikang pangkasaysayan o
lingguwistikang diyakroniko (Ingles:
historical linguistics o
diachronic linguistics) ay ang pag-aaral ng pagbabago ng
wika. Mayroon itong limang pangunahing mga pinagtutuonan: ang mailarawan at itala ang napagmamasdang mga pagbabago sa partikular na mga wika; ang buoing muli ang prehistorya ng mga wika at alamin ang kanilang pagiging magkakaugnay, na ipinapangkat ang mga ito ayon sa mga
mag-anak ng mga wika; ang magpaunlad ng mga teoriyang pangkalahatan patungkol sa kung paano at kung bakit nagbabago ang wika; ang mailarawan ang kasaysayan ng mga pamayanan ng pagsasalita; at upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga salita (ang tinatawag na
etimolohiya).