Sa
matematika, ang nosyon ng
linya o
tuwid na linya ay pinakilala ng mga sinaunang matematiko upang ilarawan ang mga tuwid na obhekto na hindi mahalaga ang lapad at lalim. Ang mga linya ang idealisyon ng mga gayong obhekto. Pagdating ng ikalabing pitong siglo, ang mga linya ay inilalalarawan na : "Ang linya ang unang spesiyes(species) ng kantidad na mayroon lamang isang
dimensiyon na tinatawag na
haba(length) na walang lapad(width) o lalim(depth) at ito ay walang iba kundi ang daloy o takbo ng punto na [...] nag-iiwan sa imahinaryong paggalaw nito ng isang bestiyo(makikitang marka) sa haba na walang lapad. [...] Ang tuwid na linya ay isang magkatumbas na pinahaba sa pagitan ng mga punto nito.