linyar na alhebra


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Alhebrang linyar
Ang Alhebrang linyar (Ingles: Linear algebra) ang sangay ng matematika na umuukol sa may hangganan o mabibilang na walang hangganang dimensiyonal na mga espasyong bektor gayundin ang mga pagma-mapang linyar sa pagitan ng mga gayong espasyo. Ang gayong imbestigasyon ay inisyal na nauudyukan ng isang mga sistema ng ekwasyong linyar sa ilang mga hindi alam. Ang gayong mga ekwasyon ay likas na kinakatawan gamit ang pormalismo ng mga martriks at mga bektor. Ang alhebrang linyar ay sentral sa parehong puro at nilalapat na matematika. Halimbaw, ang abstrakong alhebra ay lumilitaw sa pagpapagaan ng mga aksiyoma ng isang espasyong bektor na tumutungo sa isang bilang ng mga paglalahat. Ang analisis na punsiyonal ay nag-aaral ng bersiyong walang hangganang dimensiyon ng teorya ng mga espasyong bektor. Kasama ng kalkulo, ang alhebrang linyar ay tumutulong sa solusyon ng mga sistemang linyar ng mga ekwasyong diperensiyal. Ang mga pamamaraan mula sa alhebrang linyar ay ginagamit rin sa heometriyang analitiko, inhinyeryapisika, mga agham natural, agham pangkompyuter at mga agham panlipunan(partikular na ang ekonomika). Dahil ang alhebrang linyar ay isang mahusay na pinaunlad na teorya, ang mga modelong matematikal na hindi linyar ay minsang tinatantiya ng mga modelong linyar.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.