Sa
anatomiya ng tao, tumutukoy ang
litid sa alak-alakan (Ingles:
hamstring), na nasa likuran ng gawing itaas ng likod ng
tuhod, sa isa sa tatlong panglikurang mga masel o muskulo ng
hita ng
binti, o kaya sa mga
litid o
tendong bumubuo sa mga hangganan ng puwang o espasyong nasa likod ng mga tuhod. Subalit, sa makabagong mga konteksto o diwang pang-anatomiya, tumutukoy ang mga ito sa panlikod na mga laman o masel ng hita, o kaya sa mga tendon o litid ng semitendonosus, ng semimembranosus, at ng
daga-dagaan sa binti (
biceps femoris). Sa mga hayop na apatan ang paa (mga
quadruped), tumutukoy ito sa nag-iisang tendon o litid na matatagpuan sa likod ng tuhod o kahalintulad na bahagi.