Ang
batumbakal o
batong-bakal (Ingles:
lodestone,
loadstone) ay isang likas na mabalaning piraso ng mineral na
magnetite. Ang mga ito ay likas na lumilitaw na mga
batubalani na nakakaakit ng mga pirason ng
bakal. Unang natuklasan ng sinaunang mga tao ang katangiang-ari ng
magnetismo mula sa batumbakal. Ang mga piraso ng batumbakal, na nakabitin upang makaikot ang mga ito, ay ang unang mga
aguhon (kompas, kumpas) na magnetiko, at ang kahalagahan nila sa sinaunang nabigasyon ay ipinapahiwatig ng kanilang pangalan sa Ingles na
lodestone, na sa Panggitnang Ingles ay may kahulugang 'bato ng kurso' o 'batong nauuna'. Ang batumbakal ay isa sa dadalawa lamang na mga mineral na natatagpuang likas na mabalani o magnetisado; ang isa pa ay ang
pyrrhotite na mahina lamang ang pagiging mabalani. Ang
magnetite ay itim o itim na makayumanggi na mayroong kintab na metaliko, mayroong katigasan sa Mohs na 5.5-6.5 at maitim na bahid.