Ang
temporal na lobo (Ingles:
temporal lobe) ang rehiyon sa cerebral na cortex na matatagpuan sa ilalim ng biyak na Sylvian sa parehong mga hemisperong cerebral ng
utak ng mga
mammal. Ang temporal na lobo ay sangkot sa pandamang pandinig at tinatahan ng pangunahing auditoryong cortex. Ito ay mahalaga rin sa pagpoproseso ng mga
semantika ng parehong
pananalita at
paningin. Ang temporal na lobo ay naglalaman ng
hippocampus at gumagampan ng mahalagang papel sa pagbuo ng pangmatagalang memorya. Ang superior temporal gyrus ay kinabibilangan ng sakop(sa loob ng biyak na Sylvian) kung saan ang ang mga hudyat na auditoryo(pandinig) mula sa cochlea (at pinahatid sa pamamagitan ng ilang mga subcortical nuclei) ay unang umaabot sa cerebral na cortex. Ang bahaging ito ng cortex(pangunahing auditoryong cortex) ay sangkot sa pandinig. Ang mga katabing lugar sa superior, posterior at lateral na mga bahagi ng temporal ng lobo ay sangkot sa mataas na lebel ng pagpoproseso ng pandinig. Sa mga tao, ito ay kinabibilangan ng pananalita kung saan ang kaliwang temporal na lobo sa partikular ay tila ginawang espesyal. Ang Wernicke's area na sumasakop sa rehiyon sa pagitan ng temporal at
parietal na lobo ay gumagampan ng mahalagang papel(kasunod ng Broca's area) na sa
harapang lobo. Ang mga tungkulin ng kaliwang temporal na lobo ay hindi limitado sa mababang lebel na pandama ngunit lumalawig sa pag-unawa, pagpapangalan, memoryang berbal, at iba pang mga tungkuling pang wika.