lohika


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Lohika
Mula sa lumang Griyego na λόγος (logos) ang lohika. Ang literal nitong kahulugan ay “ang salita” o “ang sinabi”, ngunit mas pinipili ang kahulugan nito bilang “kaisipan” o “katwiran”. Ito ang pangangatwiran na ginagamit upang maabot ang katapusang pangungusap (konklusyon) mula sa hanay ng mga palagay. Sa mas pormal na kahulugan, isang pag-aaral ng mga palagay ang lohika—ang proseso kung saan nalilikha ang mga bagong pahayag mula sa mga napatunayan nang mga pahayag. Isang masalimuot na talakayan sa pagitan ng mga pilosopo ang pagbibigay ng eksaktong kahulugan sa “lohika.” Ngunit anuman ang batayang napili para sa pag-aaral ng lohika, ang mithiin ng mga tagapagtaguyod nito ay ang pagpapaunlad sa kakayanan ng tao na mapaghiwalay ang mga tumpak sa di-tumpak na pangangatwiran bilang gabay sa wastong pag-iisip.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.