Ang
lugaw (
Ingles:
porridge,
rice congee,
gruel) ay uri ng lutuing may
sabaw, nilutong
bigas, at sahog. Sa
Pilipinas, nagluluto ang mga
Pilipino ng
goto o
lugaw goto na sinangkapan ng
goto o
kalyos ng
baka. Maaari ring haluan ito ng paa ng baka. Isang pang lugaw ng Pilipino ang
lugaw tokwa-baboy. Sa pinakapayak na paghahanda, nilalagyan lamang ang lugaw ng
asukal (walang ibang halong sahog), at ang ganitong nilugaw ang inihahanda para sa batang may sakit. Gumagamit din sa nilugaw ng mga
hibi at
bao. Bago kainin ang isinilbing lugaw, kadalasan ding nilalagyan ito ng
patis,
toyo,
bawang, paminta, at
kalamansi.