Ang mga
isdang may baga (
Ingles:
lungfish) ay mga
isdang pang-tubig-tabang na kabilang sa subklaseng
Dipnoi. Kilala ang mga ito sa pagkakaroon at pagpapanatili ng mga katangiang natatangi sa loob ng mga
Osteichthyes, kabilang ang kakayahan sa paghinga at paglanghap ng hangin, at mga kayarian o istruktura na primitibo lamang para sa
Sarcopterygii, kabilang ang pagkakaroon ng mga hugis-lobong
palikpik na may buong panloob na
kabutuhan. Sa kasalukuyan, matatagpuan lamang sila sa
Aprika,
Timog Amerika, at hilagang
Australya. Habang maimumungkahi ng naganap na paghihiwalay at pagbubukod ng mga espesye o uri sa kani-kaniyang anyo ng mga katubigan, na kinakatawan ito ng isang sinaunang distribusyon na limitado sa
Mosozoyikong superkontinenteng
Gondwana, iminumungkahi ng mga nakatalang
fossil na ang mga isdang may baga ay may isang kosmopolitanong distribusyon sa mga tubig-tabang, at nakapaglalarawan ang pangkasalukuyang distribusyon ng makabagong uri ng isdang may baga sa pagkawala ng maraming mga salinlahi kasunod ng paghihiwalay ng mga Pangea,
Gondwana, at
Laurasia.