Ang
lutuing Pilipino ay ang pinagsanib na lutuin ng iba’t ibang mga pangkat etniko ng
Pilipinas. Naimpluwensyahan ito ng mga lutuin ng mga
Asyano,
Europeo,
Mehikano at mga
Amerikano. Ipinapakita sa lutong Pilipino ang
kasaysayan ng Pilipinas. Lumitaw ang pagiging katangi-tangi at kaiba nito mula sa pagkakaroon ng batayan ng mga sangkap na Malay, Intsik, Hindu, Kastila, at Amerikano. Ang katutubo talagang pagkaing Pilipino ay malapit sa mga katutubong lutuin sa Indonesya, Malaysiya, Taylandiya, at ibang mga bansa sa Asya. Isa sa nakaugaliang gawi sa pagkain ng mga Pilipino ang pagkakamay o paghuhugis-bilog ng kanin sa pamamagitan ng mga daliri habang pinipisil sa plato bago isubo sa bibig.