mababang kapulungan


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas
Ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (Ingles: House of Representatives of the Philippines) ang mababang kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas. Di-pormal itong tinatawag na Kongreso. Tinatawag ang mga kasapi ng kapulungan na mga kinatawan o mga konggresista habang Representative naman ang kanilang titulo. Ihinahalal sila sa upang maglingkod ng tatlong taon at maaaring maihalal nang tatlong beses sa pinakamarami. Maaaring kumatawan ang isang kinatawan sa isang heograpikong distrito o sa isang mahalagang sektor ng lipunan.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...

 
Kapulungan ng mga kinatawan
Ang Kapulungan ng mga representantibo o Kapulungan ng mga kinatawan(sa Ingles ay house of Representatives) ang pangalan ng lehislatura ng maraming mga bansa. Sa ibang mga bansa, ang Kapulungan ng mga representatibo ay tumutukoy sa "mababang kapulungan"(lower house) ng isang bikameral na lehislatura samantalang ang "mataas na kapulungan"(upper house) ay tinatawag na "senado". Sa ibang bansa, ang Kapulungan ng mga representatibo ang tanging kamara(chamber) ng unikameral na lehislatura. Ang tungkulin ng Kapulungan ng mga Representatibo ay hindi magkakapareho sa bawat bansa at ito'y depende sa kung ang isang bansa ay may sistemang parliamentaryo o sistemang presidensiyal.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.