machine gun


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Masinggan
Ang masinggan o metralya (Ingles: machine gun, literal na "makinang baril") ay isang automatikong sandatang sunud-sunod na nakapagbabaril ng isang bala o punglo (isa pagkaraan ng isa na masusundan ng marami pa) habang pinipindot o habang nakadiin ang gatilyo, at mayroon itong mga punglong nakahandang ibaril. Tinatawag itong automatikong pagbaril. May mga masinggang madadala ng isang tao lamang, ngunit mayroon mga metralyang maipuputok o mapapaputok mula sa isang patungang may tatlong paa o tripoda. Nagpapaputok ang karamihan sa mga masinggan ng mga punglong kinukunekta ng isang mahabang sinturon o tanikala. Mayroong ibang gumagamit ng mga kahong kinargahan ng ispring at tinatawag na mga magasin. Tinatawag na mga submasinggan o submetralya (Ingles: sub-machine gun, SMG) ang kahalintulad na mga sandatang nakapagpapaputok ng mas mahihinang mga punglo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.