Ang
salamangka,
mahiya, o
madyik (
Ingles:
magic) ay isang gawain o talento ng isang
salamangkero na matatawag ding sining ng
mahika. Sa sining ng salamangka, may angking kapangyarihan ang isang natatanging tao upang makagawa ng mga matatawag na pambihira at kagila-gilalas na mga bagay o
himala. Kabilang sa mga kilalang salamangkero o madyikero si
Merlin, ang
manggagaway o hukluban sa panahon ng kuwento tungkol sa
alamat ni
Haring Arturo at ang Bilog na Mesa. Karaniwang bumibigkas ng salita o dasal, o kaya mga kilos ng kamay, ang mga salamangkero para makahikayat at makalikha ng salamangka. Tinatawag ding
madyikero,
madyisyan, at
magician ang mga salamangkero.