Ang
magnesyo o
magnesyum (,
Ingles:
magnesium, may sagisag na
Mg, atomikong bilang na 12, atomikong timbang na 24.312, punto ng pagkatunaw na 651 °C, punto ng pagkulong 1,107 °C, espesipikong grabidad na 1.74, at
V na 2) ay isang elementong metalikong may katangian ng pagiging magaan, parang
pilak, at medyo may katigasan lamang. Kapag nasa anyong pulbos o kaya laso o ribon, nagsasanhi ito ng maputi at maliwanag na liwanag kung nasusunog o kapag sumasabog. Nagagamit ito sa paggawa ng mga pailaw (mga pirotekniko o luses,
aloy, pasiklab o
flash sa Ingles ng
kamera, at mga bomba. Natuklasan ito ni
Humphry Davy noong
1808.