Ang
kasalanan, mula sa salitang-ugat na
sala, ay ang pagsuway sa utos o batas ng Diyos, bagaman maaari ring pagsuway sa atas ng ibang tao o sa lipunan. Katumbas ito ng
pagkakamali o
kamalian,
pagkukulang,
paglabag,
transgresyon,
pagkaligaw mula sa tamang landas o daan,
paggawa ng masama o
sumama (naging masama). Kaugnay ng pananampalataya, tulad ng sa Kristiyanismo at Hudaismo, ito ang nagsasanhi ng pagkahiwalay o pagbali sa relasyon o pakikipag-ugnayan sa Diyos. Dating hindi kabahagi ng orihinal na kalikasan ng tao ang kasalanan (ang
kasalanang orihinal) sapagkat ang
unang mga tao, katulad nina
Adan at Eba, ay may kakayahang pumili kung magtitiwala at susunod ba sila o hindi sa kautusan ng Diyos. Dahil sa kasalanan, nagkaroon ang mga tao ng katangiang pagkakaroon ng
likas na kasalanan kapag ipinanganak sa mundo, isang bagay na nakaaalipin sa kanila, at nagbibigay ng daan patungo sa iba pang mga uri ng paglabag sa
batas. Sa pananampalataya pa rin, ipinadala ng Diyos si
Hesus upang magapi ang kapangyarihan ng kasalanan at tanggalin din ang parusa para rito. Sa pamamagitan ng
pagkukumpisal ng mga kasalanan, napapatawad ng Diyos ang mga tao.