Ang
kosmetiko,
kosmetik, o
kulorete ay mga kagamitang
pampaganda,
pampabango, o kaya nakapagpapabago ng hitsura ng katawan. Karaniwang ginagamit ang mga kosmetiko upang gawing mas kahali-halina ang isang tao para sa ibang tao, o sa isang
kultura o kabahaging kultura. Kabilang sa mga
nakapagpapaganda o
nakapagpapabango ang mga pamahid, mga pulbos, at mga pabango. Lahat ng ginagamit at ginagawa ng tao upang mapainam ang wangis ng kanyang katawan ay maituturing na
kalinangang pangkagandahan,
kultura ng kagandahan, o
kultura ng pagpapaganda.