Ang
maliit na bituka (Ingles:
small intestine,
gut) ay isang
bituka, at isang bahagi ng katawan ng maraming may buhay na mga nilalang. Nakalagay ito sa pagitan ng
tiyan at ng
malaking bituka. Sa
taong lampas na sa 5 taong gulang, maaaring nasa lima hanggang anim na mga metro ang haba ng maliit na bituka. Mas mahaba ito kaysa malaking bituka. Ngunit mas maliit ang diyametro nito. Sa loob ng maliit na bituka nasisipsip ng katawan ang mga sustansiyang nagmumula sa mga pagkain.