Ang
glandulang mamarya ay isang
organo ng mga mamalyang babae na gumagawa ng
gatas upang mapakain ang bata pang
anak. Nakuha ng mga
mamalya ang kanilang pangalan magmula sa salitang "mamarya". Sa mga
tao, ang mga glandulang mamarya ay nasa mga
suso. Sa mga ruminanteng katulad ng mga baka, mga kambing, at mga usa, ang mga glandulang mamarya ay nasa loob ng kanilang mga
puklo o
udder sa Ingles. Ang mga glandulang mamarya ng iba pang mga mamalya na mayroong mahigit sa dalawang mga suso, katulad ng mga aso at mga pusa, ay paminsan-minsang tinatawag na mga
dug sa wikang Ingles.