mammary gland


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Glandulang mamarya
Ang glandulang mamarya ay isang organo ng mga mamalyang babae na gumagawa ng gatas upang mapakain ang bata pang anak. Nakuha ng mga mamalya ang kanilang pangalan magmula sa salitang "mamarya". Sa mga tao, ang mga glandulang mamarya ay nasa mga suso. Sa mga ruminanteng katulad ng mga baka, mga kambing, at mga usa, ang mga glandulang mamarya ay nasa loob ng kanilang mga puklo o udder sa Ingles. Ang mga glandulang mamarya ng iba pang mga mamalya na mayroong mahigit sa dalawang mga suso, katulad ng mga aso at mga pusa, ay paminsan-minsang tinatawag na mga dug sa wikang Ingles.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.