manananggol


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Abogado
Ang abogado, abugado, manananggol o tagapagsanggalang(sa Ingles ay lawyer, attorney o defender) ay isang taong pinagkalooban ng lisensiya upang makapagbigay ng payong legal, at para kumatawan sa isang kliyente sa loob ng hukuman o korte. Isa itong taong maalam at nag-aral ng batas, kinatawan o taong kumakatawan sa batas (attorney at law sa Ingles), tagapagtanggol o tagapayo (konseho), o solisitor (punong opisyal na pambatas), at isang taong may lisensya upang magkasakatuparan ng batas. Ang batas ay isang sistema ng mga panuntunan ng kaasalang inilunsdad ng namumunong pamahalaan ng isang lipunan upang magwasto ng mga kamalian, magpanatili ng katatagan, at magdala ng katarungan. Kasama sa hanapbuhay ng pagiging isang manananggol ang kapaki-pakinabang na paggamit at pagpapairal ng abstraktong (baliwag o basal) mga teoriyang legal at kaalaman upang matugunan ang isang tinutukoy na mga suliraning pang-isang tao, o pasulungin ang mga kanaisan ng nagpapanatili o umuupa ng mga abugado upang magsakatuparan ng mga tungkulin o serbisyong pambatas o nasa batas.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.