Ang
bandolin,
mandolin, o
mandolina ay isang instrumentong pangtugtugin na may literal na kahulugang "isang maliit na kasaping soprano sa mag-anak ng mga gitara". Tinutugtog itong tinatamaan ng kamay ang mga bagting. Katulad ng
biyolin ang tunog nito o ng isang pinapalong dulsimer. Dinisenyo sa
Napoli ang pangkaraniwang uri ng bandolin, na may walong kuwerdas, may katawang yari sa
kahoy at ang tablang pangdaliring may mga gutay (Ingles:
fret) o guhit na metal.