mangmang


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mangmang
Ang mangmang (Ingles: illiterate, na kabaligtaran ng literate) ay isang hindi kaaya-ayang katawagan para sa mga mamamayang hindi marunong bumasa o sumulat, sapagkat nagpapahiwatig ito ng pagiging tanga ng tao. Iniiwasan ang paggamit ng salitang ito, sapagkat bagaman katumbas ng mangmang ang illiterate sa wikang Ingles, nagpapahiwatig ito ng kawalan ng kaalaman at karunungan ng isang tao. Sa katunayan, ayon kay Juan Flavier, mayroong mga taong hindi nga marunong bumasa o sumulat pero mayroon namang kaalaman, karunungan, at kakayahang nakuha ng mga ito mula sa kanilang mga karanasan sa buhay. Kaya para sa kanilang mga proyekto noong kasapi pa si Flavier ng Kilusan ng Rekonstruksyon sa Pilipinas noong dekada ng 1970, ginagamit na lamang nila ang pariralang "hindi marunong sumulat at bumasa" sa halip na banggitin o isulat ang mismong salitang mangmang.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.