Ang
mansanas ay isang puno at bunga na kabilang sa uring
Malus domestica sa loob ng pamilya Rosaceae ng mga
rosas. Ito ang pinakainaalagaang mga namumungang puno sa mundo. Hindi ito tumutubo sa
Pilipinas. Napagkukunan ang bunga ng mga
katas ng mansanas (tinatawag na
cider sa Ingles, binibigkas na /say-der/, ang inuming
sidra).