Ang
tugtugin o
musika, kadalasan na isang
sining/
libangan, ay isang kabuuang panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga kahulugan ayon sa
kapanahunan at
kultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang pinagkakaiba ito sa
ingay. Sang-ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse Nattiez: "Ang hangganan sa pagitan ng musika at ingay ay palaging kultura ang nagbibigay kahulugan--na nagpapahiwatig na, kahit sa loob ng nag-iisang lipunan, ang hangganan na ito ay hindi palaging dumadaan sa parehong lugar; sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa. Sa lahat ng pangyayari, wala ni
isa at
interkultural na unibersal na kaisipan na nagbibigay kahulugan kung ano ang musika.