Ang
mapa ay ang paglalarawan ng
kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at tema ng nasasaad na kalawakan. Kadalasan ang mapa ay isang dalawang-dimensyong modelo ng isang tatlong-dimensyong kalawakan. Ngunit dahil sa mga
kompyuter at mga kalipunan ng dato na siyang nagpalawig ng pagsulong ng Mga Sistema ng Heograpikong Impormasyon (
Geographic Information Systems o GIS), nagagawa na ring nasa tunay na panahon at dinamiko o masigla ang paggalaw ng datos na heograpikal.