Ang
mandaragat, na tinatawag ding
magdaragat,
magdadagat,
manlalayag,
maglalayag,
marino, o
marinero (Ingles:
seaman,
mariner, o
sailor; ang
seaman ay akma para sa "mandaragat", habang ang
sailor ay partikular para sa "manlalayag", at ang
mariner ay angkop para sa "marinero" at "marino"), ay isang tao na naglalakbay at naglilibot ng mga sasakyang pantubig o tumutulong sa mga operasyon, pagpapanatili, at paglilingkod ng mga ito. Ang kataga ay mailalapat sa mga dalubhasang mandaragat (mga marinerong propesyunal), mga tauhan ng militar, at mga manlalayag na pangrekreasyon, pati na sa marami pang ibang paggamit. Kaugnay ng
etimolohiya, ang pangalan ay nagpapanatili ng pag-alala sa kapanahunan noong ang mga barko o bapor ay karaniwang pinaaandar ng mga
layag, subalit inilalapat ito sa mga tauhan ng lahat ng mga sasakyang pantubig, anuman ang kanilang gawi ng lokomosyon o pagpapatakbo.