Ang
mas mataas na edukasyon,
edukasyong pagkatapos ng sekundaryong edukasyon,
tersiyaryong edukasyon, o
edukasyong pang-ikatlong antas (Ingles:
higher,
post-secondary,
tertiary, o
third level education) ay isang baitang ng pagkatuto na nagaganap sa mga
pamantasan, mga akademiya, mga
dalubhasaan, mga seminaryo, at mga instituto ng teknolohiya. Ang mas mataas na
edukasyon ay kinabibilangan din ng ilang mga institusyong nasa antas ng
kolehiyo, na katulad ng mga paaralang bukasyunal, mga paaralang pangkalakalan, at mga kolehiyong pangkarera, na nagbibigay ng mga degring pang-akademiya o katibayang pamprupesyon (sertipikasyong prupesyunal).