Ang
pagbubusi o
pagsalsal ay ang sekswal na paraan ng pagbibigay ginhawang sekswal sa sarili ng hindi nakikipagtalik. Ginagawa ito ng mahilig mag pantasya o kaya ang mga taong sobrang malilibog. Tumutukoy ito sa estimulasyon ng sariling aring pang-reproduksyon (masturbasyong pansarili) na kalimiting umaabot sa sukdulan o
orgasmo, at ginagamitan ng kamay (katulad ng paghipo sa ari) o ibang bahagi ng katawan (maliban sa
pakikipagtalik), o kaya ng ibang mga bagay o kasangkapan, o kombinasyon ng mga pamamaraang ito. Ito ang pinakapangkaraniwang anyo ng awtoerotisismo o pagbibigay ng ginhawang sekswal sa sarili. Kalimitang ginagamit na magkasingkahulugan (sinonimo) ang dalawang salita, bagaman karaniwan din ang masturbasyon na may kaagapay o katulong (masturbasyong mutwal). Nagaganap din ang masturbasyon sa daigdig ng mga hayop, likas man o alaga ang mga ito.