Ang mga
mata,
busilig, o
buliga ang
organo ng
paningin na nakadarama ng
liwanag. Iba't ibang uri ng mga madaling-makaramdam na mga organo ang matatagpuan sa mga magkakaiba't ibang mga
organismo. Walang ginagawa ang mga pinakapayak ng mga mata kundi ang dumama ng liwanag at kadiliman sa kapaligiran, habang nakakapansin naman ng mga
hugis at
kulay ang mga mas masalimuot na uri ng mga mata. Malawakang nagkakasanib-sanib ang mga nasasakop ng pananaw ng ilan sa mga ganitong uri ng mga masalimuot na mga mata: katulad ng pagpapahintulot ng mas mainam na pagpuna sa antas ng kalaliman (paninging binokular o paninging tila-
largabista) sa mga tao; at nakaposisyon naman ang ibang mata upang mabawasan ang pagkakapatung-patong ng mga nasasakop ng pananaw, katulad ng sa mga
kuneho at sa mga
kamelyon. Karaniwang tumutukoy ang
buliga sa kabuoan ng bilog ng mata; samantalang sa harap ng mata o sa buong bilog din ng mata ang
busilig.