Ang
mata ng tao (Ingles:
human eye) ay isang
organong tumutugon sa liwanag para sa ilang mga layunin. Bilang isang may kamalayang
organong pandama, ang mata ng mamalya ay nagpapahintulot ng
paningin (persepsiyong biswal). Ang mga selulang tungkod (
rod cell sa Ingles) at balisuso sa loob ng retina ay nagpapahintulot ng namamalayang pagwari ng liwanag at paningin kabilang na ang kamalayan na mawari ang iba't ibang mga kulay at pagwari ng kalaliman. Ang matang pantao ay maaaring makamalas o makadama ng humigit-kumulang na 10 milyong mga kulay.