Ang
maso (Ingles:
mallet,
maul) ay isang uri ng
martilyong may ulo na yari sa mas malambot na mga materyales, katulad ng kahoy, goma, o plastiko, sa halip na mga
bakal na karaniwang ginagamit bilang ulo ng pamukpok, upang maiwasan ang pagkakaroon ng pinsala sa maselang kaibabawan. Giagamit ito sa pagpupukpok ng mga pait. Tinatawag na
malyete (Ingles:
gavel) ang maliit na maso, katulad ng pamukpok sa mesa na ginagamit ng isang pinuno ng pulong upang makuha ang pansin ng mga tao kung magsisimula na o tapo na ang pagpupulong. Mayroon ding mga maso na may mabibigat na ulo (mula 2 hanggang 20 mga libra; kilala sa Ingles bilang
sledge hammer) at may mahabang hawakan na ginagamit sa mabibigat na mga trabaho.