Ang
organismo ay isang bagay na may buhay. Kabilang sa mga ito ang mga
hayop at mga
halaman. Ang mga organismo ay isang biyotiko, o buhay, na bahagi ng
kapaligiran. Ang mga bato at sinag ng araw ay isang bahagi ng abiyotiko, o walang buhay, na kapaligiran. Mayroong limang payak na pangangailangan ang mga organismo: kabilang dito ang pangangailangan nila ng
hangin,
tubig, mga
nutriyente (
sustansiya o
pagkain),
enerhiya at isang lugar na matutuluyan. Ilan sa mga organismo ay binubuo ng milyun-milyong mga
sihay (selula), kaya't tinatawag silang mga
organismong multiselular. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga
aso, mga
puno, at mga
tao. Karamihan sa mga
organismong multiselular (
organismong may maramihang mga selula) ay maaaring makita na hindi kailangang gumamit ng
mikroskopyo. Ilan sa mga organismo ay napakaliit kung kaya't hindi sila nakikita ng basta mga mata lamang. Kailangan ang paggamit ng mikroskopyo upang makita sila. Tinatawag ang mga ito bilang mga
mikroorganismo. Ang mga organismo ay maaaring binubuo lamang ng iisang
selula, na tinatawag namang mga
organismong may isang selula o
organismong uniselular. Ilang halimbawa ng mga ito ang
bakterya, amoeba, at protosoa na katulad ng
paremecium. Ang mga tao ay isang organismong binubuo ng maraming mga selula. Sa katunayan, ang
katawan ng tao ay mayroong maraming trilyun-trilyong mga selula na ipinangkat upang maging natatangi o espesyal na mga
tisyu at mga
organo.