medisinang panloob


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Panggagamot na panloob
Ang panloob na panggagamot, medisinang internal, o medisinang panloob ay ang medikal na espesyalidad na may kaugnayan sa pag-iwas, diyagnosis, at paglulunas ng mga karamdaman ng mga taong nasa wastong gulang o mga adulto. Nagmula ang katawagang "medisinang internal" buhat sa salitang Aleman na Innere Medizin, isang disiplinang pinatanyag sa Alemanya noong huling panahon ng dekada ng 1800 upang ilarawan ang mga manggagamot na nagsasanib sa agham ng laboratoryo sa pangangalaga ng mga pasyente. Marami sa mga Amerikanong duktor ng kaagahan ng ika-20 daang taon ang nag-aral ng panggagamot sa Alemanya at nagdala ng larangan ng medisinang ito sa Estados Unidos. Kaya inako nila ang katawagan at naging pangalang Ingles na internal medicine. Karaniwang tinatawag na mga internista ang mga medikong espesyalista. Dahil sa ang kanilang mga pasyente ay kadalasang malubha ang sakit o nangangailangan ng masalimuot na mga imbestigasyon, ginagawa ng mga internista ang karamihan sa kanilang mga gawain sa loob ng mga ospital.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.